{"id":385,"date":"2021-01-13T21:03:27","date_gmt":"2021-01-13T13:03:27","guid":{"rendered":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/?p=385"},"modified":"2021-01-13T21:03:27","modified_gmt":"2021-01-13T13:03:27","slug":"dr-cebrero-ng-j-h-cerilles-state-college-hinirang-na-ulirang-guro-sa-filipino-2019","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/?p=385","title":{"rendered":"Dr. Cebrero ng J.H. Cerilles State College hinirang na Ulirang Guro sa Filipino 2019"},"content":{"rendered":"<p>Hinirang ng Kagawaran ng Wikang Filipino (KWF) si Dr. Julieta C. Cebrero, Dekana ng School of Arts and Sciences ng J.H. Cerilles State College sa probinsya ng Zamboanga del Sur bilang isa sa pitong mga Ulirang Guro sa Filipino ngayong 2019 sa pagkilala sa kanilang natatanging husay sa pagtuturo at paggamit ng wikang pambansa.<br \/>\nAyon sa KWF, si Dr. Cebrero ay nagpamalas ng husay at talino hindi lamang sa silid -aralan kundi  maging  sa pambansa at pandaigdigang komperensiya bilang tagapagsalita at tagapanayam para sa mga paksang pangwika at pangkultura.<br \/>\nMasigasig niyang pinag-aralan ang mga katangian at barayti ng wikang Subanen ng Peninsulang Zamboanga dahil sa kanyang layuning makapag-ambag sa pagsulong ng pambansang linguafrangka.<br \/>\nNapalitaw rin niya sa kanyang saliksik ang sariling kasaysayan ng mga katutubong Subanen na makikita sa guman o epikong bayan nito na itinuturing na katangi-tangi sa pangkat ng mga Subanen.<br \/>\nTunay na maipagmamalaki ang kangyang mga ambag na pag-aaral sa wika at panitikan ng mga katutubong Subanen ng Zamboanga del Sur.<br \/>\nPara sa taong 2019, ginawaran ang dalawang guro sa sekundarya at limang guro sa kolehiyo. Masinsinan silang pinili mula sa 139 nominasyon.<br \/>\nGinawaran sa sekundaryang antas sina Sharon Ansay Villaverde ng Lopez National Comprehensive High School at Joshua E. Oyon-Oyon ng Sorsogon National High School.<br \/>\nKasama ni Dr. Cebrero, ginawaran naman ang mga guro sa kolehiyo na sina Ni\u00f1a Christina L. Zamora ng Philippine Normal University, Maria Eliza Lopez ng Mariano Marcos State University (Laoag), Rodel B. Guzman ng Isabela State University at Rodello Pepito ng Bukidnon State University.<br \/>\nBukod sa natatanging medalya, inaasahan din ng KWF na patuloy na pasisiglahin ng mga Ulirang Guro ang pagtuturo ng wikang Filipino, pati na ang pagpapalaganap ng katutubong wika at kultura sa kani-kanilang bayan.<br \/>\nPinarangalan ang mga Ulirang Guro noong 1 Oktubre sa National Museum of Fine Arts sa Maynila.<br \/>\nAng gawad, na nasa ikaanim na ta\u00f3ng na, ay isinasabay ng KWF sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Guro mula 5 Setyembre hanggang 5 Oktubre.<br \/>\nBahagi ito ng patuloy na panghihikayat ng KWF na maipalaganap at mapaunlad ang wikang Filipino sa pamamagitan ng mga insentibo, grant, at gawad.<br \/>\nAyon sa KWF, ang Ulirang Guro sa Filipino ang taunang gawad na ibinibigay nito sa mga pili at karapat-dapat na guro na ginagamit ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo.<br \/>\nAlinsunod sa layunin ng KWF na manghikayat at magpalaganap ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga insentibo, mga grant, at mga gawad, hinahangad ng tanggapan na makilala at maipagparangalan ang mga natatanging guro sa Filipino na nagpamalas ng angking husay, talino, at dedikasyon sa pagpapalaganap at promosyon ng Wikang Filipino at\/o mga wika at kultura sa kanilang komunidad.<br \/>\nGuro ang pundasyon ng sibilisasyon, ayon pa rin sa KWF, at sa ganitong pananaw isinilang ang Gawad Ulirang Guro sa Filipino na kumikilala sa mga natatanging guro na pawang nakapag-ambag sa pagpapalaganap ng matalino at malikhaing gamit ng wikang Filipino sa iba\u2019t ibang disiplina, saanmang rehiyon sila nagmula, at nakapagpamalas ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana ng bansa.<br \/>\nKinikilala rin nito ang mga pambihirang gawain ng guro, sa mga anyong gaya ng akademikong ugnayan, saliksik, at pagpapalaganap ng wika upang mahikayat ang bagong henerasyon ng kabataan na kasangkapanin ang Filipino at iba pang wikang katutubo sa mataas na antas at tungo sa ganap na kapakinabangan ng mga mamamayang Filipino.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Hinirang ng Kagawaran ng Wikang Filipino (KWF) si Dr. Julieta C. Cebrero, Dekana ng School of Arts and Sciences ng J.H. Cerilles State College sa probinsya ng Zamboanga del Sur bilang isa sa pitong mga Ulirang Guro sa Filipino ngayong 2019 sa pagkilala sa kanilang natatanging husay sa pagtuturo at paggamit ng wikang pambansa. Ayon&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[1],"tags":[],"class_list":["post-385","post","type-post","status-publish","format-standard","hentry","category-news"],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/385","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcomments&post=385"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/385\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":386,"href":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/385\/revisions\/386"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fmedia&parent=385"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcategories&post=385"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/jhcsc.edu.ph\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Ftags&post=385"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}