Ginanap ang Intramurals noong ika-27 hanggang 29 ng Setyembre 2017 sa paaralan ng JHCSC Pagadian na may temang “Building Camaraderie through Sports, Culture and Arts”.

Matagumpay na naidaus ang taonang palaro ng JHCSC Pagadian. Malakas na sigawan agad ang bungad ng bawat kupunan. Nagtagisan ng galing ang bawat kalahok sa paunahan ng pagtaas ng kani-kanilang bandila. Ang resulta, nanguna ang BSIT, pumangalawa ang STE, pangatlo ang BSHRM, at pang-apat ang BSN. Sa unang araw din naganap ang paligsahan sa Power Dance at mga paunang mga laro ng iba’t ibang sports gaya ng basketball at volleyball.

Sa pangalawang araw ng Intramurals ay naging mainit ang mga laban sa sports. Nagkampyon ang BSHRM sa sepak takraw, habang ang BSIT ay ang kampyon sa Volleyball at Basketball.

Ang search para sa Miss Intramurals 2017 ay siyang naging final na event ng intramurals. Sa gabi ng pangatlong araw, nagtipon tipon ang mga mag-aaral sa AEC Gymnasium, Capitol Compound, Pagadian City upang saksihan ang paligsahan sa pagandahan ng mga representatives ng bawat department. May walong naggagandahang mag-aaral ang siyang sumali sa search. Naiuwi ng HRM ang korona at titulong Miss Intramurals 2017, ang HRM Department din ang itinanghal na overall champion sa taong ito.

Isang matagumpay na pagdiriwang ang naganap. Ang bawat isa’y lubusang natuwa at namangha sa iba’t ibang talento ng mga mag-aaral. Di lang sa loob ng silid-aralan sumisikat ang JHCSCians, kun ‘di pati narin sa entablado.