Sa temang “Nurturing the Holistically Developed STE Students with the 21st Century Skills”, ang mga mag-aaral ng School of Teacher Education ng Pagadian Annex ay nagdiwang ng kanilang kauna-unahang STE Days noong ika-7 at 8 ng Agosto 2017 sa JHCSC Pagadian Grounds.
Dalawang araw ang inilaan para sa aktibidad na ito. Nilahukan ito ng tatlong koponan: ang Blue Werewolves (Freshmen), Yellow Dragons (Sophomores), at Red Phoenix (Juniors).
Sinumulan ito ng isang hataw o Zumba at sinundan ng Cheer and Yells Competetion. Nagpagalingan din ang bawat kuponan sa mga laro ng lahi. Nagkaroon din ng teaching demonstration na nilahukan ng 5 kalahok mula sa iba’t ibang major.
Napuno ng kasiyahan ang ikalawang araw ng padiriwang nang magbigay giliw sa mga manonood ang mga kalahok ng Literary, Music and Dance Competetion. Nagbigay liwanang din ang ginanap na Search for Miss STE 2017. Sa bandang huli, kinoronahan si Wilgemrose Victorama mula sa Red Phoenix bilang Miss STE 2017.
Itinanghal ang Red Phoenix bilang pangkalahatang kampeon nang sungkitin nila ang unang pwesto sa mass dance, storytelling, essay writing, song solo, at duet. Nakuha naman ng Yellow Dragons ang pangalwang pwesto ng manguna sila sa cheer and yells, extemporaneous speech, at tongue twister. Iniuwi naman ang pangatlong pwesto ng Blue Werewolves.